Malunggay patok na organic nail art

WALA ka bang atik pampa-nail art?

‘Wag n’yo ng problemahin yan mga ‘te. Gayahin n’yo ang isang plantita na lodi ngayon sa social media.

Wala siyang pera pero bongga ang nail art.

Hinahangaan ngayon ang plant seller na si Jocelyn Rivac dahil kahit walang pampa-nail art, pwede pa rin palang mag flex ng kuko sa social media.

Patok na patok ito ngayon dahil nakahanap siya ng bagong silbi sa malunggay.

Iflinex ni Jocelyn ang kanyang mga kuko na ginamitan niya ng tirang malunggay mula sa sangkap na ginamit niya sa kanyang tinola para makakuha ng isang post sa social media.

Nakiuso si Jocelyn sa ginagawa ng mga netizen na nagpo-post ng kanilang mga ulam sa socmed o bagong pagawang hairstyle o makeup.

‘Yun nga lang, iniba ni Jocelyn ang kanyang atake at ginawa itong mas creative.

Ikinatuwa naman ng mga commenter ang naisipang ideya ni Jocelyn na pang IG pictorial ang datingan:

“Organic nail art”

“No mani gel…no problem”

“Yummy hahaha”

“Ayos sis ang ganda nang nail mo!”

This post was originally published on this site